348 - Kahanga-hangang Tagapagligtas

Kahangahangang Tagapagligtas ko,
Ang Panginoon kong Jesus;
Ako'y ikinubli sa isang bato,
Na doo'y ligtas na lubos.

REFRAIN

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay,
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

Kahangahangang Tagapagligtas ko,
Ang Panginoon kong Jesus;
Pinalakas, pinatibay N'ya ako,
Hindi ako makikilos.

REFRAIN

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay,
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

Di mabilang na mga pagpapala
Ang iginagawad t'wina,
Kaya't inaawit ko sa aking tuwa,
Pag-l'walhati ko sa Kanya.

REFRAIN

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay,
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

Kapag naramtan ng Kaniyang ningning,
Ako'y mapapasalangit,
At Siya ay aking makakapiling,
Pagliligtas N'ya ang awit.

REFRAIN

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay,
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

0:00 0:00